Kalsada sa kabundukan ng Tabuk City, Kalinga
Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang rehabilitasyoi ng higit 4-kilomentrong road improvement project na naglalayong panatilihin ang kaligtasan sa kalsada sa kabundukan ng lungsod ng Tabuk sa lalawigan ng Kalinga.
Kabilang sa ginawa ng DPWH ay ang asphalt overlay para patibayin ang kalsada at ang pagpasak sa mga bitak nito para mapigilan ang pagpasok ng tubig at ang pagsasagawa ng mga nasira sa road pavement.
Tiniyak ng department ang tibay ng kalsada matapos itong gawin,
Sa kanyang ulat kauy Secretary Manuel Bonoan, sinabi ni Cordillera Administrative Region Director Khadaffy Tanggol na maaashan ang kaligtasan ng mga gagamit ng kalsada sa bulubunduking bahagi ng rehiyon.