sindikato sa dpwh

Super-lakas sa LTFRB

Subukan N’yo!

 By: Dodo R. Rosario

                                                 Super-lakas sa LTFRB

             Ano kaya ang pinalamon nitong Grab Philippines sa mga hindoropot sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at nakahanda silang babuyin ang kaso para lang maprotektahan ireng ride-hailing vehicle service?

Itong LTFRB, mga padrino ko, ay pinamumunuan ng isang Atty. Teofilo E. Guadiz lll, bilang chairman. Si Guadiz ay sinuspindi noong Oktubre 2023 ni President Bonbong Marcos makaraang akusahan siya ng katiwalian ng kanya mismong executive assistant na si Jeffrey Tumbado ng katiwalian. Pero himalang naibalik siya sa puwesto.

Noong Mayo, 2024, ay nagsampa kami ng aking misis ng reklamo sa naturang ahensya laban sa Grab dahil sa tahasang paglabag nito sa batas, partikular na ang Republic Act No. 9994 o yaon bagang Expanded Senior Citizens Act of 2010 at dahil na rin sa pinababa kami nung driver na miyembro nito nang wala akong maipakitang senior citizens identification card na inisyu ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA). Dahil sa nawawala ang aking OSCA-issued ID ay ang aking lisensya ang aking ipinakita pero hindi ito tinanggap ng naturang driver dahil polisiya raw nitong ride-hailing vehicle service na tanging ang ng OSCA-issued ID lamang ang kikilalanin bilang senior citizens ID card.

At noong Oktubre 15, 2024, ay nagpadala ng mensahe ireng LTFRB sa aking email address at inabisuhan ako na itnakda nila sa Nobyembre 19, 2024, ang online hearing via Zoom. At pinadalhan din ako ng Show Cause Order para sa MyTaxi.PH kung saan inutusan nito ang Grab na sagutin sa loob ng 10-araw ang aming reklamo at padalhan kami ng kopya.

Pero binale-wala ng Grab ang Show Cause Order ng LTFRB! Hindi nirespeto ang LTFRB!! Tsk, tsk, tsk!!!

At noong Nobyembre 19, 2024, ang araw na itinakda ng LTFRB para sa online hearing ng aming reklamo ay walang ibinigay na link ang ahensya. Tadtad na ang pinadala kong email sa LTFRB pero wala silang ipinadalang link.

Samakatuwid, walang naganap ng online hearing! Ang LTFRB ang nagtakda ng online hearing, pero hindi nila ito sinunod!! Sus, ginoo!!!

At noong Disyembre 4, 2024, ay nakatanggap ako mula sa private courier LBC ng Show Cause Order mula sa LTFRB na inaabisuhan din kami na ang online ay itinakda nila sa Disyembre 10, ganap na 9:00 ng umaga. Ang naturang Show Cause Order, na may petsang Agosto 9, 2024 at pirmado ng isang Atty. Frederick L. Valero, ang hepe ng Legal Division, ay kapareho ng aking natanggap noon sa aking email.

Naghanda na kami para sa online hearing na akala naming ay totoo na. Pero wala pa ring naganap na online hearing sa ikalawang pagkakataon! Susmaryoisep!!

Dahil sa katarantaduhang ginawa ng LTFRB sa aming reklamo ay nagpasiya na kaming magsampa ng kaso laban mismo dito sa mga hindoropot nilang mga tauhan sa Office of the City Prosecutor at sa Office of the Ombudsman. Magsasampa rin ako ng kaso sa Integrated Bar of the Philippines laban sa mga hindoropot na abogado nitong graft-ridden government agency.

Dito ko napatunayan na tatagang garapalan ang katiwalian sa ilalim ng administrasyon ni Presidente Bongbong Marcos!

            Pero walang karapatang manatili sa government service ireng mga hunghang sa LTFRB!

            Abangan!!!

                                                              xxx

            Banned na ako sa Grab!!!

            Hindi na ako makapag-book dito sa ride-hailing vehicle dahil sa kinasuhan ko sila sa Office of the City Prosecutor ng Bacoor City. Ang i-ban ako ang kanilang ganti sa kaso. Sus, ginoo!

            Gusto kong kasuhan uli sampahan ng kaso sa LTFRB pera bababujyin lang uli ang aking reklamo nireng ahensya kasi kinikilingan nila ang Graab!

            Magkano?

                                                            xxx

            Para sa komentaryo: dodorosario@yahoo.com

                                                             xxx

You May Also Like

No Results Found

The page you requested could not be found. Try refining your search, or use the navigation above to locate the post.